Masasabing ang Eat Bulaga ang may titulong longest running noontime tv show in the world, kc ung mga iba mas matagal s kanya ay hindi noontime show tv show lang. Ang galing noh? Yung iba nga ata hindi pa pinanganak ng unang ilabas s ere ang EB noong 1979. Bukod sa TVJ, si Ruby at Jimmy lang ang alam kong original mainstay na host hindi din ako sigurado kay Anjo. Pero yung ibang cast they come and go. Sabi nga ni Ryan Agoncillo, "it's an honor to be part of Eat Bulaga". Napakarami na din silang naging logo, pakulo, palaro, at kung anu ano pa. Minsan nga sa kanila nanggagaling ang mga pinapausong salita katulad ng "ikaw na" na ang ibig sabihin ay ikaw na ang magaling, at ikaw na ang da best. Alam kong mag aagree din kayo dito sa sasabihin kong, dito din naten nasasaksihan ang karamihan sa mga naging partner na babae ni bossing. huwag n naten idetalye, ika nga too many to mention, haha. Madaming buhay na din ang nabago dahil dito. Mga naging milyonario at sumikat sa mga contest ng EB, katulad nina Aiza Seguerra, Jericho Rosales at marami pang iba. Marami na din nagtangkang maipabagsak ito pero wala ang sino man sa kanila ang nagwagi. Sa ngayon si Willie lagi pa daw binabati ang EB.
Dumadaan din naman sila sa mga pagsubok, gaya ng pagbaba ng rating, issue dyan issue dito tulad sa sexbomb at kay Tony G pero ang maganda dun hindi nila hinahayaan bumaba ang kanilang self esteem na hindi na sila muling makakabangon bagkus nagtutulong tulong sila sa paghanap ng solusyon at isinasagawa nila ito. Naging bahagi na ng buhay ng halos lahat ng Pilipino ang Eat Bulaga. May mga kritiko din sila pero mas madami silang napapasaya. Sana ganun din tayong lahat sa pagharap sa mga hamon ng buhay.
Hindi ako panatiko, hindi pa ako nakakapunta sa studio nila at nakakaliban din ako paminsan minsan ng show nila pero isa lang ang kaya ko siguruhin kahit hanggang maging lola na ako manunuod pa din ako ng EAT BULAGA.
photo credit: http://tvadvo.com/wp-content/uploads/2008/06/eb.jpg
Hindi ako fan ng Eat Bulaga. Hehe! pero nakakatuwa kasi hindi parin sila napapalitan kahit pabago bago na ng show yung kabila. pero alam ko galing din sila sa channel two. hehe!
ReplyDeletePinay Mama
ELijah
PibyangLovesToEat
Myblissfullife
oo Pinay Mama, before sila magchannel two nasa channel 9 sila ngsimula. salamat and God bless! :)
ReplyDelete