Total Pageviews

Tuesday, June 7, 2011

Papa



Ang Papa ko ay masasabi kong napakabait. Nakagisnan ko na sa aking paglaki na sya ang mas madalas na nag aalaga sa amin, nagluluto, at naglalaba para sa amin habang ang Mama namin ay nagtitinda ng RTW sa Baclaran. Wala kaming kasambahay pero madami kaming mananahi. Pero noong lumaki laki na kami; ayyy mga kapatid ko lang pala kasi hindi ako lumaki tumanda lang. Haha. Kami na ang gumagawa sa mga gawaing bahay madalas ako taga saing kaya masasabi kong iyon ang forte ko sa pagluluto kahit noong wala pa kaming rice cooker. Habang ang Papa ko naman ay dakilang driver ng Mama namin. Kapag sabado at walang pasok sumasama kami sa Baclaran pero madalas lang kami sa parkingan kasama ng Papa namin dahil magulo daw kami sa pwesto. Madalas lang kami pumupunta sa pwesto kapag naubos na namin ng kapatid kong lalaki yung pera na binigay sa amin para humingi ng pera. Halos gabi gabi lagi kaming buong pamilya nagjojoyride sa antipolo (aka OL). Pagbakasyon kung saan saan kami nagpupunta pero ang hindi ko makakalimutan ay yung lugar na may malaking tv at sa planetarium. Madalas kami magturuan kapag oras na ng pag uurong (hugas ng pinggan). Madaming kataga ang sinasabi ng Papa namin sa amin at isa sa mga iyon ay may kinalaman sa pag uurong, sabi nya na kapag masaya ka sa ginagawa mo hindi ka mapapagod at mapapabilis ito. Hindi ko inabot yung mga araw na nasablog ng ate ko. www.jarableblog.info dahil sa pagkakatanda ko mga 2 taon lang ako nun. Gayun pa man mataas pa din ang respeto at pagmamahal ko sa aking ama.

Noong wala pa kaming service sa skwelahan sya ang naghahatid at nagsusundo sa amin ng kapatid kong sumunod saken dahil kaming dalawa ang malayo ang skwelahan sa bahay namin. Kapag naiiwan namin yung baon namen dinadala nya yun kapag lunchtime na. Nung naghayskul na ko bago ko magboard sabagay halos 3 buwan lang naman ako dun, sya naghahatid saken sa sakayan ng bus. Naaalala ko pa kapag sobrang traffic pinapahabol ko sa kanya yung naunang bus at pag naovertake-an na nya sasabihin ko na naman yung isa pa hanggang umabot na kami sa Greenhills. Sasabihin ng Papa ko magagalit na naman daw sa kanya ang Mama ko dahil sya ang bumili ng almusal nila. Natutuwa ako nun hindi dahil mapapagalitan sya dahil may matitira akong pera dahil ang Mama ko kapag nagbibigay sa amin noon ng baon yung sakto lang na pangkain at pamasahe. Ika nga ng Papa ko hindi kami makakauwi kapag nalaglagan kami ng piso. Hehe. Madami kaming masasayang alaala sa Papa ko kaya malaking malaki ang kawalan nung nawala sya sa amin.

1990 nung nadiagnose sya na may diabetes. Pero matigas ulo nun nagtatago pa sa Mama ko ng pagmemerienda ng matatamis iyon yung isa sa mga minana ko sa papa ko(tigas ng ulo). Hehe. 1999 sya ng nastroke. Clinically dead na daw sya nung naisugod sa ospital na kung saan pinagpanganakan ko kay Wan. Isang beses lang ako nakadalaw sa kanya sa ospital nun dahil 1 buwan pa lang nun si Ayel. Kinantahan ko sya nun ng kanta ni Don Moen na “I am the Lord that healeth thee” sa kauna unahang pagkakataon nakita ko sya lumuha kahit nakarespirator na sya nun.

Napakadami naming iniisip na sana hindi namin dinanas kung buhay lang sya. Miss na miss namin ang Papa namen. Salamat sa Panginoon at binibigyan pa din Nya ng kaaliwan, libangan at sakit ng ulo ang aming Mama sa katauhan ng buong pamilya lalo na sa bagong miyembro na si Jam Jam.

Sa mga ama, pakiusap lang po; sana alagaan nyo po ang katawan nyo para sa pamilya nyo po dahil mahirap  sa isang pamilya ang walang ama. Maligayang kaarawan sa mga haligi ng tahanan.

5 comments:

  1. Parang tatay ko pala ang papa mo. Diabetic din at nagtatago o nangungupit ng matatamis. May katigasan nga ulo e. Minsan daw kasi di nya matiis na di kumain ng ganun.

    ReplyDelete
  2. very well said uday...you made me cry.

    ReplyDelete
  3. tnx tita mercie. kumusta na tatay mo ngaun anney? sana ok sya.

    ReplyDelete