Filipino slang word for sassy. Sa ating mga Pinay maraming kikay halos idominate n nga naten ang mga simpleng tao. Kapag ndi ka simple kikay ka na. Kung madami ka abubot sa bag, madami ka burloloy o accessories sa katawan, maarte magsalita, makulay manamit, karamihan ng mga gamit kulay pink, purple o kaya baby blue, ayaw paawat sa mga usong damit kahit sa tiangge lang bumili basta masabing meron, color coordinated kapag poporma, atbp.
Noon, madami naasar sa mga kikay lalo na mga bakla at mga lalaking konserbatibo. Kasi wala silang ibang nakikita sa mga kikay kundi kaartehan at kaagaw sa mga atensyon ng mga lalake. Pero hindi naglaon at madali natanggap na ng society ang kikay sa madaming kadahilanan katulad ng mas naging creative ang mga Pinoy. Sa katunayan hindi na lang babae makacategorize ang mga kikay; kasi meron na din baklang kikay, matandang kikay, batang kikay, mayaman na kikay, less fortunate na kikay, at mantakin mo may lalaki na din na kikay. Hoy kayong mga lalake umamin man kayo o hindi may mga kikay din sa inyo lalo na sa mga ayaw paawat mag soup up ng sasakyan, DSLR na katakot takot sa dami ng lens, daming gamit sa pangbasket ball bukod sa sapatos at jersey at kung anek anek pa . Si Presidente Noynoy Aquino nga may Liz Uy para sa mga wardrobe nya e. Naalala ko sabi ng kababata ko date, lahat ng tao ay may sariling kaartehan sa katawan; na pwede na natin ihalintulad sa kakikayan. At some point masasabi naten na hindi man tayo full pledge na kikay meron kahit konting nananalaytay sa atin na dugong kikay.
Kagaya nga ng sabi ko kanina, madaling natanggap sa society ang pagiging kikay kasi naging creative ang mga Pinoy. Hindi na tayo kuntento sa gawang basta lang; kelangan ang bawat craft naten ay personalize at may tatak ng gumawa; yung kapag nakita, nabasa o narinig mo kahit hindi nakalagay ang pangalan ng gumawa, nagsulat o nagsalita e alam mo agad kung sino un. Yan ang tatak Pinoy.
Ikaw kikay ka ba?
photo credit: http://kikaymuch.me/wp-content/uploads/2010/11/kikay3.png
No comments:
Post a Comment